Robredo, hinikayat ang mga Filipino na salubungin ang 2020 na may pag-asa

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga Filipino na salubungin ang papasok ng taong 2020 na may pag-asa, galak at ngiti.

Sa inilabas na mensahe ngayong Bagong Taon, sinabi nito na dapat manatili ang ngiti sa kabila ng mga pinagdadaanang pagsubok at biyaya sa buhay.

Aniya, maraming bagay na dapat nating ipagpasalamat.

Nananatili rin aniyang malinaw ang pangarap para maghatid ng maginhawa at mas maayos na buhay para sa bawat pamilyang Filipino.

Ani Robredo, patuloy ding pagsusumikapan na maabot ang tulong sa mga malalayo, maliliit at mahihirap na komunidad sa bansa.

Dagdag ng bise presidente, magbalik-tanaw sa nagdaang taon para alalahanin ang magagandang alaala na may aral na maaring baunin sa papasok na taon.

Read more...