Dagdag na 28 bagong air-conditioning units, naikabit na sa MRT-3

Sa pagpasok ng taong 2020, mayroong panibagong handog para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naikabit na ang nasa 28 bagong air-conditioning units sa mga bagon ng tren.

Bukod pa ito sa nailagay na 66 units.

Dahil dito, nasa kabuaang 94 na ang bilang na air-conditioning unit sa mga tren ng MRT-3.

Ito ay bahagi ng P167 milyong halagang biniling 120 air-conditioning units ng Sumitomo-MHI-TESP para sa rehabilitasyon ng tren.

Read more...