Twitter account ng MMDA, pansamantalang mag-sign off para sa New Year break

Pansamantalang mag-sign off ang official Twitter account ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa abiso ng ahensya, ito ay para sa kasagsagan ng New Year break.

Magsisimula ang pag-sign off ng kanilang account bandang 2:00, Martes ng hapon, Bisperas ng Bagong Taon.

Samantala, magbabalik-normal naman ang operasyon ng kanilang account bandang 2:00 ng hapon, New Year’s Day(January 1).

Sakaling mayroong emergency-related concern, maari anilang tumawag sa hotline 136.

Read more...