Nananatili pa sa intensive care unit (ICU) ang ang isang Pinay na kabilang sa biktima ng aksidenteng naganap sa Singapore.
Ayon kay Consul General Adrian Bernie Candolado ng Philippine Embassy sa Singapore, sa anim na nasugatan dalawa pa ang nasa ospital.
Sinabi ni Condolado na isa sa dalawang nasa ospital ay nasa ICU pa.
Dalawa pa sa mga nasugatan ay nakalabas na ng ospital.
Nagpapatuloy naman ang proseso para sa repatriation ng mga labi ng dalawang nasawi sa aksidente.
MOST READ
LATEST STORIES