Libu-libo na-trap sa beach sa Australia dahil sa wildfire

Tinatayang libu-libong bakasyunista ang na-trap sa isang beach area sa Auatralia matapos itong mapalibutan ng wildfire.

Nasa apat na libong katao ang hindi makaalis sa isang beach sa bayan ng Mallacoota.

Napapalibutan kasi ng wildfire at makapal na usok ang bayan mula sa mga kalapit nitong lugar.

Nitong nagdaang mga araw nagbabala na ang mga otoridad sa mga turista sa Australia na iwasan na ang Mallacoota dahil malapit ito a mga bayan na apektado ng wildfire.

Naghahanda naman na ang mga otoridad sakaling kailanganing magsagawa ng sea o airborne evacuation.

Read more...