Extreme Northern Luzon apektado ng northeast monsoon; nalalabing bahagi ng bansa apektado naman ng easterlies

Dalawang weather system ang umiiral sa bansa ayon sa PAGASA.

Ang extreme Northern Luzon ay apektado n g northeast monsoon, habang easterlies naman ang umiiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Dahil sa northeast monsoon, makararanas ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ngayong araw sa Cagayan Valley Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region at sa nalalabi pang bahagi ng Cordillera Administrative Region dahil din sa amihan.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral na may isolated na pag-ulan dahil sa easterlies.

Read more...