DFA, kinondena ang pagpatay ng asawa ng employer sa isang OFW sa Kuwait

Kinokondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpatay umano ng asawang babae ng employer sa isang Pinay OFW.

Ayon sa DFA, paglabag ito sa pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait noong May 2018 na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga OFW sa kanilang bansa.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Kuwait sa mga kaukulang otoridad para masigurong mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng OFW.

Ipinatawag na rin ng DFA ang Ambassador ng Kuwait sa Maynila para maiparating ang hinaing kaugnay sa hindi sapat na proteksyon na ibinibigay ng Kuwaiti government sa mga OFW laban sa kamay ng mga mapang-abusong employer sa knilang bansa.

Read more...