Dalawa sugatan sa pamamaril sa Pasay City

Dalawang katao ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Pasay City.

Nangyari ang insidente madaling araw ng Martes (Dec. 31) sa bahagi ng Taft Avenue.

Ayon sa isa sa mga biktima, kapwa sila sakay ng motorsiklo nang mapuna nila na mayroong sumusunod sa kanila.

Pawang sakay din ng dalawang motorsiklo ang tatlong suspek.

Matapos pagbabarilin ang dalawang biktima, bumaba pa ang gunman para tignan kung patay na ang mga ito.

At dahil inakalang nasawi na ang dalawa, ay agad silang tumakas sa pinangarihan ng krimen.

Nadala naman sa ospital ang mga biktima kaya nakaligtas.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananambang at pinaghahanap na rin ang tatlong suspek.

Read more...