Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

Epektibo na ang panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

May dagdag na 85 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 50 centavos sa kada litro ng diesel at 35 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Alas 12:01 ng madaling araw naging epektibo ang price hike ng Caltex at Cleanfuel.

Habang alas 6:00 naman ng umaga ang price hoke ng Shell, Petron, Phoenix Petroleum, Flying V, PTT, Seaoiol, at Petro Gazz.

Hindi pa kasama sa nasabing dagdag presyo ang halaga ng ipatutupad na dagdag sa excise tax sa produktong petrolyo simula sa pagpasok ng taong 2020.

Read more...