Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ito ay dahil patuloy ang pagsulpot ng mga ipinagbabawal na paputok habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa kalihim, mas mabuti pang sa kulungan na lamang magdiwang ng Bagong Taon ang mga lalabag kaysa madamay at makadisgrasya pa ng kapwa dahil sa paggamit ng ilegal na paputok.
Pinadodoble rin ni Año sa pambansang pulisya ang pag-monitor at pag-inspeksyon para maiwasan ang pagkalat ng mga ilegal na paputok sa merkado.
Base sa inilabas na listahan ng PNP, narito ang mga ipinagbabawal na paputok:
– Piccolo
– Watusi
– Giant whistle bomb
– Giant bawang
– Large judas belt
– Super lolo
– Lolo thunder
– Atomic bomb
– Atomic bomb triangulo
– Pillbox
– Boga
– Kwiton
– Goodbye earth
– Goodbye bading
– Hello columbia
– Goodbye Philippines
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 54 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.
Ang nasabing bilang ay naitala mula December 21 hanggang December 30.