Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, sisikapin nilang maaprubahan sa plenaryo sa 2020 ang mga tax bills na nakalusot na sa kanyang komite.
Kabilang rito ang pagpapataw ng buwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sector, Motor Vehicle Road Users’ Tax, Mining Fiscal Regime at ang panukalang excise-tax sa single-use plastics.
Sinabi ni Salceda na bukod sa mga nabanggit na revenue bills, pag-aaralan din ng kanyang komite ang pagkakaroon ng structural reforms sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) para sa mas maayos na pagbubuwis.
Paliwanag ng mambabats, salig lahat ng mga tax measures na kanilang tinatrabaho sa prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte.