Pangangasiwa sa PNP, iniatang na muna ni Pangulong Duterte kay Año

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior and Local Govertnment (DILG) Secretary Eduardo Año na pansamantalang hawakan at pangasiwaan muna ang Philippine National Police (PNP).

Ito ay hanggat walang napipili ang pangulp na permanenteng PNP chief kapalit ni dating General Oscar Albayalde na nagretiro noong Nobyembre.

Sa talumpati ng pangulo sa Cotabato, pinasisiuguro nito kay Año na ayusin muna ang problema sa PNP para kapag natapos ang kanyang termino sa 2022 ay hindi na masyadong mabigat ang problema sa pambansang pulisya.

Ikinadidismaya ng pangulo ang malawakang korupsyon sa hanay ng PNP pati na ang pagkakasangkot ng mga pulis sa ilegal na droga.

Ayon sa pangulo, tanging sa Metro Manila ang malaking problema sa mga pulis dahil karahiman naman sa mga law enforcer sa probinsya ay mahuhusay.

“Pero ganun pa man — aba linte ning mga pulis ni. Dito okay lang. Basta mga probinsya mahusay ang mga pulis. But in Manila? That’s why I did not appoint a PNP. Sabi ko kay General Año na hawakan niya muna. You fix the police so that by the time we make the exit two years from now, at least ang mga problema ng Pilipino medyo — medyo hindi na masyadong mabigat,” ayon kay Duterte.

Read more...