Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nahaharap ang mga ito sa iba’t ibang kaso tulad ng rape, child molestation, illegal drugs, fraud, cyber crimes, at large-scale economic crimes.
Nasa kabuuang 423 na dayuhang pugante ang napa-deport matapos mahuli ng BI Fugitive Search Unit (FSU).
Mas mataas aniya ito ng 65 porsyento kumpara sa naitalang bilang noong nakaraang taon.
Ani Morente, hindi na muling makakabalik sa Pilipinas ang mga nahuling international criminal dahil isinailalim na ang mga ito sa blacklist.
“We cannot allow these criminals to use the Philippines as their sanctuary,” ani Morente.
Ayon naman kay BI FSU chief Bobby Raquepo, karamihan sa mga nahuli ay 324 Chinese nationals kung saan 277 rito ay nahuli sa isang raid sa Ortigas Center sa Pasig City noong September.
Mahigpit aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa ibang bansa para mahuli ang mga wanted na dayuhan na nananatili sa bansa.
Nangako naman si Morente na mas paiigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa mga puganteng dayuhan sa susunod na taon.
“These criminals are not welcome here in the Philippines. “Many of which are part of international syndicates that try to relocate their operations in the country. We will not allow this. They will be arrested, deported, and immediately banned from returning,” babala ni Morente.