Satisfaction rating ng Aquino administration, ‘good’ pa rin

 

Bagaman ‘good’ pa rin ang overall performance ng Aquino administration para sa nakaraang taon, bagsak naman ito sa isyu ng paglaban sa korupsyon sa pamahalaan.

Ito ang nilalaman ng pinakahuling resulta ng SWS survey na isinagawa noong December 5-8 ng nakaraang taon sa pagitan ng 1,200 respondents.

Batay sa survey, tumanggap ng +39 na net satisfaction rating ang administrasyong Aquino noong December na mas mataas sa +37 noong September.

Umakyat din mula sa ‘good’ tungong ‘very good’ ang performance rating ng Pangulo at ng kanyang liderato batay sa December survey.

Gayunman, mula sa +15, bumaba sa -1 o negative one ang resulta ng survey sa isyu ng paglutas sa graft and corruption sa pamahalaan.

Read more...