Sampung preso sugatan sa riot sa QC jail

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Nagkaroon ng riot sa loob ng Quezon City jail, Lunes ng gabi, kung saan sampung preso ang nasugatan at tatlo sa mga ito ay naospital.

Ang gulo ay pinasimunuan ng grupo ng ‘Bahala Na’ gang at ‘Sputnik’ gang na kapwa may malalaking bilang ng miyembro sa loob ng QC jail.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmula ang riot nang isang miyembro ng Sputnik ang nanuntok ng isang miyembro ng kabilang gang.

Dito na nagkaroon ng ‘resbak’ o gantihan sa pagitan ng dalawang grupo na humantong sa kaguluhan.

Ayon naman sa grupo ng ‘Sputnik’ napagkamalan lamang o ‘mistaken identity’ ang dahilan kaya’t napag-initan sila ng kabilang grupo.

Read more...