Pagpasa sa panukalang Department of Disaster Resilience ipinamamadali na sa Kongreso

Ipinamamadali na ni House Committee on Disaster Management Vice Chairman at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ang pagpasa ng panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience.

Layon nitong magkaroon na ng pangunahing ahensya na tututok sa mga kalamidad sa susunod na taon.

Ayon kay Romualdez, dapat ipasa na ng Kongreso ang panukalang DDR upang magkaroon na ng pangunahing ahensya ng gobyerno na siyang tutugon sa paghahanda sa mga tatamang kalamidad sa Pilipinas tulad ng bagyo at lindol.

Sinabi ni Romualdez na malaking aral para sa mga taga-Visayas ang pananalasa noon ng bagyong Yolanda kaya’t handa ang mga residente nang tumama sa kanilang mga lugar ang Bagyong Ursula.

Mas mabilis aniyang naibalik ang suplay ng kuryente, paghahatid ng mga relief sa mga biktima ng kalamidad at minimum lamang ang damage kung ikukumpara sa Yolanda.

Sa oras na maging ganap na batas, ang DDR ang magsisilbing national agency na siyang mag-se-centralize sa rahabilitation, rescue, response, recovery at reconstruction tuwing may kalamidad.

Ang panukalang pagtatag ng DDR ay lusot na sa komite sa Kamara.

 

 

Read more...