Veterinarian patay sa pananambang sa Talisay City, Cebu

Patay makaraang tambangan ang isang veterinarian sa Barangay Biasong, Talisay City, Lunes (Dec. 30) ng umaga.

Ayon kay Patrolman Eleazar Belciña ng Talisay City Police Station, nakilala ang nasawi na si Neil Pala Boligao, 48 anyos.

Nagtamo si Boligao ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kaniyang agad na ikinasawi.

Sa inisiyal na imbestigasyon, sakay ng kulay puting Toyota Hikux nang harangin ng riding in tandem at saka pinagbabaril ang sasakyan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Ayon kay Belciña, tinitignan na nila kung may CCTV sa mga establisyimento malapit sa lugar na pinangyarihan ng pamamaril.

Read more...