DFA nakiramay sa pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa aksidente sa Singapore

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng mga nasawing dalawang Pinoy sa aksidente sa Singapore.

Ayon sa DFA, dalawang Pinoy ang kumpirmadong nasawi matapos mawalan ng kontrol ang ang isang kotse at bumangga sa grupo ng mga Pinoy na nasa Lucky Plaza.

Maliban sa dalawang nasawi, mayroon pang apat na nasugatan.

Sa apat na sugatan, dalawa ang stable na ang kondisyon, habang ang dalawa pa ay patuloy pang inooboserhan.

Tiniyak ng DFA na napagkakalooban ng tulong ang mga biktima.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DFA sa embahada para sa repatriation ng mga labi ng dalawang nasawi.

Read more...