Ayon kay Defensor, dapat madaliin ni Romualdez ang pag-reach out sa gobyerno ng Amerika lalo na sa Senado upang maiwasan ang anumang diplomatic crisis.
Sinabi nito na tungkulin ng embahada ng Pilipinas sa Amerika na linawin ang mga pangyayari sa likod ng pagkakakulong kay Senator Leila de Lima at ang mga ibinabatong isyu ng paglabag sa karapatang pantao.
Naniniwala din si Defensor na madali lamang na mabibigyang linaw ang mga nabanggit na isyu at kapag nangyari ito ay posible ring makakuha ng mataas na global trust ratings si Pangulong Duterte.
reaksyon ito ng kongresista kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng i-require na sa mga Amerikano ang pagkuha ng visa kapag papasok ng Pilipinas sakaling ituloy ang US ban sa mga sangkot sa pagpapakulong kay de Lima.
Paliwanag ni Defensor, bagamat mariing tinututulan ng pamahalaan ang panghihimasok ng US sa internal affairs ng bansa hindi dapat itinataboy ang US government, UN Commission on Human Rights at iba pang international forum na malaman ang sitwasyon sa Pilipinas dahil kabahagi ang bansa sa isang global network.