Sakripisyo ni Dr. Jose Rizal inspirasyon ng PNP

Sa paggunita ng ika-123 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal, kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang sakripisyo ng pambansang bayani para sa bansa.

Ayon kay PNP officer-in-charge Pol. Lt. Gegn. Archie Francisco Gamboa, ang mga sakripisyo ni Rizal ay inspirasyon ng mga pulis sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Sinabi nin Gamboa na si Dr. Jose Rizal ay natatanging inspirasyon sa 195,000 na mga pulis para isabuhay ang kanilang sinumpaang tungkulin at paglingkuran ang sambayanan.

Gaya ni Rizal, sinabi ni Gamboa na ang sakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga pulis ay marapat ding kilalanin gaya ng pagkilala sa sakrpisyo ni Rizal.

Read more...