Lalaki patay matapos mabundol ng van sa Quezon City

Nasawi ang isang lalaki matapos mabundol ng isang puting van sa EDSA-Northbound, paanan ng Santolan flyover, Quezon City, Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa driver ng van na si Lauro Salazar, nagulat na lamang siya at ang kanyang asawa nang biglang tumawid ang biktima.

Sinubukan pang magpreno ni Salazar ngunit hulit na ang lahat.

Sa sobrang lakas ng pagkakabangga, nasira ang windshield ng kanilang sasakyan.

Galling sina Salazar sa Lucena, Quezon at pauwi na sana sa Bulacan nang maganap ang aksidente.

Ang biktima na nakasuot ng t-shirt at short ay wala pang pagkakakilanlan pero pinaniniwalaan itong pulubi sa lugar.

Read more...