Nasawi sa pananalasa ng bagyong Ursula umakyat na sa 47

Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Typhoon Ursula.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 47 na nag naitalang iniwang nasawi ng bagyo.

Pito sa mga nasawi ay mula MIMAROPA, 26 sa Region VI, isa sa Region VII, at 13 sa Region VIII.

Mayroon namang siyam pang nawawala.

Umabot rin sa mahigit 440,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 1.7 milyon na katao ang naapektuhan ng bagyo mula sa mahigit 6,000 mga barangay.

Read more...