Cabatuan, Isabela niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Cabatuan sa Isabela.

Naitala ang pagyanig sa layong 5 kilometers southwest ng Cabatuan, alas 5:01 ng umaga ng Lunes, Jan. 30.

May lalim lang na 1 kilometer ang pagyanig at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Bago ito ay tumama rin ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan naman ng Dinapigue, Isabela alas 3:15 ng madaling araw.

Read more...