M3.4 na lindol naitala sa Isabela

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Isabela alas-3:15 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Hilagang-Silangan ng Dinapigue.

May lalim itong walong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...