M4.9 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-5:12 Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 114 kilometro Timog-Kanluran ng Saranggani.

May lalim itong 14 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa General Santos City, Alabel at Malungon, Sarangani; at Tupi, South Cotabato.

Nakapagtala pa ng malalakas na lindol sa Sarangani, Davao Occidental ngayong gabi.

Magnitude 4.5 ang tumama sa layong 86 kilometro Timog-Kanluran ng Sarangani kaninang alas-8:03.

May lalim itong 15 kilometro.

Alas-9:18 naman nang yumanig ang magnitude 3.8 na lindol sa layong 94 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong isang kilometro.

Isa pang magnitude 3.3 na pagyanig ang naitala sa layong 101 kilometro Timog-Kanluran ng Sarangani alas-9:53.

May lalim naman itong dalawang kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...