LOOK: Bilang ng otorisadong motorcycle taxi drivers

Inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang bilang ng mga otorisadong drayber para sa motorcycle taxi pilot run.

Sa datos ng technical working group (TWG) hanggang 4:52 ng hapon, narito ang bilang ng mga otorisadong drayber sa mga sumusunod na ridesharing service company:
Angkas – 7,471
Joyride – 6,907
Move It – 1,414

Maikokonsiderang otorisado ang isang drayber kung nakatugon ito sa documentary at regulatory requirements ng TWG kabilang ang full registration at pagdedeklara pangalan at contact numbers ng contracted riders.

Matatandaang iginiit ng Angkas na 17,000 ang mawawalan ng trabaho kasunod ng pagpapatupad ng limitasyon sa bilang ng rider kada kumpanya.

Read more...