Construction worker, timbog sa buy-bust operation sa Puerto Galera

Inquirer file photo

Arestado ang isang construction worker sa ikinasang buy-bust operation sa Puerto Galera, Oriental Mindoro Linggo ng madaling-araw.

Sa ulat ng MIMAROPA police, nahuli ang suspek na si Feliciano Rubion, 44-anyos, sa bahagi ng Barangay Sinandigan bandang 3:15 ng madaling-araw.

Nakuha sa suspek ang ilang maliliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso na may kinalaman sa ilegal na droga ang suspek.

Read more...