Walang Filipino na nadamay sa pagbagsak ng eroplano sa Kazakhstan – DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipinong apektadon ng pagsbagsak ng eroplano sa Kazakhstan.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Russia na walang nakasakay na Filipino sa bumagsak na Fokker 100 aircraft ng Bek Air.

Ang biyahe ay mayroong flight number na Z92100.

Nagparating naman ng pakikiramay at panalangin ang DFA sa pamilya at kaibigan ng mga biktima.

Umaasa rin ang kagawaran na gumaling agad ang mga sugatan sa insidente.

Read more...