Sunog sumiklab sa isang residential area sa Pandacan, Maynila

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pandacan, Maynila Sabado ng umaga.

Batay sa ulat, nagsimulang sumiklab ang apoy sa bahagi ng Balagtas Street sa Barangay 833, Zone 91 bandang 9:59 ng umaga.

Binanggit din ng Manila Public Information Office (PIO) sa kanilang official Facebook account na umabot na sa ikalimang alerto ang sunog sa lugar.

Patuloy pa ring inaapula ang sunog.

Read more...