Kiblawan, Davao Del Sur niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Davao del Sur, Sabado ng umaga.

Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 5 kilometers Northeast ng Kiblawan bandang 11:27 ng umaga.

May lalim ang lindol na 9 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2:
– Davao City

Intensity 1:
– Kidapawan City
– Malungon, Sarangani

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...