Bagyong #UrsulaPH, nasa labas na ng bansa

Bahagya pang humina ang Bagyong Ursula at tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, nakalabas ng bansa ang bagyo bandang 9:50 ng umaga.

Huli itong namataan sa layong 595 kilometers Kanlurang bahagi ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Sinabi pa ng weather bureau na wala nang direktang epekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa.

Tanging ang tail-end of a cold front ang nagdudulot ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora.

Read more...