Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tutugon naman ang pangulo sa imbitasyon pero tatangihan niya ang paanyaya.
Makailang ulit na ring binanggit ni Pangulong Duterte na hindi siya magtutungo sa US sa panahon ng kaniyang termino bilang pangulo ng bansa.
Ito ay matapos na maging kritikal noon sa kaniyang kampanya kontra ilegal na droga ang Washington sa panahon ng pammuno ni US President Barrack Obama.
Taong 2017 nang magkausap sa telepono sina Duterte at Trump. Inimbitahan na noon ni Trump ang pangulo na magtungo sa US.
Noong 2018 naman nakatanggap ng liham si Duterte mula sa gabinete ni Trump para muli siyang imbitahan.