Mga mamamayan ng Amerika hihingan na ng visa kapag itinuloy ng US ang ban sa ilang opisyal ng gobyerno

Magpapatupad na ng visa requirements ang Pilipinas sa mga mamamayan ng Amerika kapag itinuloy ng US government ang pag-ban sa ilang opisyal ng gobyerno na may kinalaman umano sa pagkakakulong ni Senator Leila De Lima.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung itutuloy ng US ang ban laban sa mga opisyal ng Pilipinas, magpapatupad naman ang bansa ng visa requirement sa kanilang mga mamamayan.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na aatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration na huwag payagang makapasok sa Pilipinas sina US Senators Dick Durbin at Patrick Leahy.

Ang dalawang senador ang nagpasok ng probisyon sa 2020 nationoal budget ng US na nagsasabing ang mga nasa likod ng pagkakabilanggo ni De Lima ay patawan ng ban.

Ang 2020 budget ng US ay ganap nang nalagdaan ni US PResident Donald Trump at kasamang naaprubahan ang nasabing probisyon na ipinasok nina Durbin at Leahy.

Iginiit naman ng Malakanyang na hindi political persecution ang pagkakakulong ni De Lima.

Read more...