Sarangani, Davao Occidental niyanig ng mahgnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa layong 276 kilometers east ng Sarangrani alas 6:27 ng gabi ng Biyernes, December 27.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 32 kilometers.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...