Bagyong Ursula humina pa, isa na lang severe tropical storm – PAGASA

Humina pa ang bagyong Ursula at ngayon ay isa na lamang severe tropical storm.

Sa 5pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan bagyo sa layong 430 kilometers west ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.

Wala nang direktang epekto saanmang panig ng bansa ang bagyo at inaasahang lalabas na ng bansa bukas ng umaga.

Samantala, ang tail ens ng cold front ay nakaaapekto naman sa Northern Luzon at sa Aurora.

Ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mararanasan dulot ng naturang weather system ay maaring magdulot ng flashflood.

Read more...