Network service sa Ormoc naibalik na ng Globe

Naibalik na ng Globe Telecom ang network service nito sa Ormoc matapos ang pananalasa ng Typhoon Ursula.

Sa abiso ng Globe, puspusan pa ang ginagawang restoration sa Boracay.

Nananatili pang walang serbisyo ang Globe sa Boracay dahil sa pinsala ng bagyo.

Ayon sa Globe, naapektuhan ng kawalan oa ng suplay ng kuryente ang kanilang restoration efforts.

Una nang naibalik ang serbisyo ng Globe sa Masbate, Sorsogon, Tacloban at Southern Leyte.

Read more...