Operasyon ng Caticlan Airport hindi pa naibabalik sa normal

Hindi pa naibabalik sa normal ang operasyon ng Caticlan Airport.

Ayon sa abiso ng Cebu Pacific, dahil sa pinsala na naidulot ng Typhoon Ursula, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Caticlan Airport para sa mabilis na pagbabalik sa normal ng operasyon.

Nagtalaga na din ang Cebu Pacific ng dagdag na tauhan sa paliparan.

Ito ay para matiyak na maaasistihan ang mga apektadong pasahero.

Payo ng Cebu Pacific sa mga pasaherong naaapektuhan ng flight delay o flight cancellations, maaring lapitan ang mga staff ng Cebu Pacific para sa re-accommodation sa susunod na available flight.

Pinayuhan din ang mga pasahero na maglaan ng dagdag na oras para sa check in at boarding.

Kung may access sa internet, mas mabuting i-manage ang booking sa pamamagitan ng website ng Cebu Pacific.

Read more...