9 ang patay sa pagbagsak ng isang eroplano sa Kazakhstan

Isang eroplano na pag-aari ng Bek Air airline ang nag-crash matapos mag-take off mula sa Almaty International Airport sa Kazakhstan.

Siyam ang naitalang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan sa insidente.

Sakay ng Bek Air flight 2100 ang nasa 100 pasahero.

Ptungo ito sa Nur-Sultan nang bumagsak ilang saglit lamang matapos mag-take off.

Isang dalawang palapag na gusali ang binagsakan ng erolpano.

Unang sinabi ng Civil Aviation Authority ng Kazakhstan na pito ang nasawi sa plane crash pero nadagdagan ang bilang at umakyat sa 9.

Ang bumagsak na eroplano ay isang Fokker-100 medium-sized, twin-turbofan jet airliner.

Read more...