Bata patay, 1 pa sugatan matapos makuryente sa kasagsagan ng clearing operations sa Medellin, Cebu

Isang bata ang nasawi matapos madikit sa mga live wires sa kasagsagan ng ginagawang clearing operations sa bayan ng Medellin sa Cebu na nasalanta ng Typhoon Ursula.

Ayon kay Mayor Joven Mondigo Jr., maliban sa batang nasawi, isa pang bata ang nasaktan.

Patuloy ang clearing operations sa bayan ng Medellin dahil sa mga nagtumbahang puno at poste matapos ang pananalasa ng bagyo.

Sa datos ayon kay Mondigo, aabot sa P41 million na halaga ng mga ari-arian, pananim at alagang hayop ang napinsala ng bagyong Ursula sa kanilang bayan.

Nakasailalim na sa state of calamiaty ang bayan ng Medellin.

Read more...