JoyRide mayroon nang halos 7,000 authorized riders; Angkas nasa mahigit 2,000 pa rin – TWG

Nahigitan na ng JoyRide ang Angas sa dami ng bilang ng mga otorisadong riders.

Sa update na inilabas ng Motorcycle Taxi Pilot Run Technical Working Group (TWG), as of 11:00AM ng Biyernes, December 27, ang JoyRide ay mayroon nang 6,907 na authorized riders.

Ang Angkas ay mayroong 2,204 na authorized riders habang 1,414 naman sa MoveIt.

Ayon sa TWG para maging authorized riders, ang srvice provider ay kailangang makatugon sa documentary at regulatory requirements ng TWG.

Kinakailangan na ang Angkas, JoyRide at MoveIt ay maiparehistro sa TWG ang kanilang riders, maibigay ang buong pangalan ng mga ito at ang contact numbers.

Ang rider na hindi dumaan sa nasabing proseso ay hindi maituturing na authorized riders ayon sa TWG.

Read more...