Panibagong batch ng mga Pinoy mula sa Libya nakatakdang dumating sa bansa

Nakatakda nang dumating sa bansa ang pang-13 batch ng mga Pinoy galing sa Libya.

Ang nasabing mga Pinoy ay nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan mula ng sumiklab ang kaguluhan sa Tripoli.

Ayon sa Philippine Embassy sa Libya, nakaalis na sa Libya ang mga Pinoy at parating na sa Pilipinas.

Sinabi ni Embassy Chargè d’Affaires Elmer Cato sa 13 Pinoy, pito ang adults at dalawa ang menor de edad.

Mula Tunis bibiyahe sila patungong Doha at saka bibiyahe pa-Manila.

Dahil dito, aabot na sa 149 ang bilang ng mga Filipino na nag-avail ng repatriation galing Tripoli at mga kalapit na lugar.

Read more...