Overnight parking sa NAIA suspendido hanggang January 5

Suspendido hanggang sa January 5 ang overnight parking sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), nagsimula ang suspensyon sa overnight parking Huwebes (Dec. 26) ng gabi.

Tatagal ang suspensyon hanggang January 5, 2020.

Ayon sa MIAA, sa kasagsayan ng suspensyon ng overnight parking ay aaralin ng pamunuan ng paliparan ang pagtugon sa dumaraming sasakyan na gumagamit sa parking areas ng NAIA.

Read more...