Hinoba-an, Negros Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 33 kilometers Southwest ng bayan ng Hinoba-an, alas-7:45 ng umaga ng Biyernes (December 27).

May lalim na 10 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...