Mahigit 30,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa bansa simula Biyernes ng madaling araw

Nakapagtala ng mahigit 30,000 bumiyaheng pasahero ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, December 27 umabot sa 34,172 na mga pasahero.

Ang pag-monitor ng sa bilang ng mga bumibiyaheng pasahero ay bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019.

Ayon sa coast guard, magpapatuloy ang mahigpit nilang pagbabantay sa mga pantalan para makamit ang target na zero maritime casualty o incident ngayong holiday season.

Inaasahan na marami pa ring bibiyaheng mga pasahero sa mga pantalan ngayong weekend dahil marami pa ang uuwi sa mga lalawigan para ipagdiwang ang Bagong Taon.

Read more...