Sa pahayag ni Fidel Agcaoili, NDFP peace panel chair, sinabi nitong umaasa siyang magiging epektibo ang ipatutupad na ceasefire ng magkabilang panig.
Sinabi ni Agcaoili na natanggap ng NDFP ang kopya ng Suspension of Offensive Military Operations (Somo) at Suspension of Offensive Police Operations (Sopo) mula kay Labor Secretary at government peace negotiator Silvestre Bello III kahapon, December 26 at alas 3:54 ng hapon oras sa Pilipinas.
Ang SOMO na inilabas ni Armed Forces Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement ay may petsang Dec. 24.
Habang ang SOPO na inilabas ni Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa – Philippine National Police Officer-in-Charge ay may petsang Dec. 22.
Una rito ay nag-demand si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria “Joma” Sison ng mga kopya ng utos ng gobyerno para sa ceasefire.
Nagbabala pa si Sison na hindi kakanselahin ang ceasefire nila kapag hindi sila nakatanggap ng kopya ng ceasefire order ng pamahalaan.