Water level ng Angat dam umabot na sa 200-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo December 27, 2019 - 07:09 AM

Umabot na sa 200-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, December 27 ay 200.63 meters na ang water level ng Angat dam.

Marami-rami ang nadagdag sa antas ng tubig ng Angat sa nakalipas na magdamag, dahil kahapon ay nasa 199.40 meters ang water level nito.

Nadagdagan din ng bahagya ang water level ng Ipo dam na nasa 77.63 meters.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ipo dam na nasa 101.07 meters.

Pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Nadagdagan ng kaunti ang Caliraya dam at wala namang pagbabago sa water level ng Ambuklao dam.

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.