3 arestado matapos mahulihan ng marijuana at baril sa Tondo, Maynila

Tatlong hinihinalang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang ang naaresto sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District ang mga suspek ay nasa likod ng serye ng pangho-holdap at pagnanakaw sa Tondo.

Kabilang sa nadakip sina Domingo Manzon at RIcardo Fernandez na nakuhanan din ng ilang pakete ng hinihinalang marijuana at dalawang kalibre 45 na baril at isang 38 revolver.

Ang isa pang naaresto ay si Sonny Liwanag na una nang nasangkot sa pagnanakaw ng cellphone.

Ayon kay Police Maj. Bryan Andulan ng Criminal Investigation and Detection Group, bago nila ginawa ang pagdakip sa mga suspek ay isinailalim muna sila sa surveillance.

Ang tatlo ay miyembro ng grupong magkakapitbahay sa Tondo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read more...