Patay sa Typhoon Ursula umakyat na sa 24

Umabot na sa 24 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa sa bansa ng bagyong Ursula.

Apat sa mga nasawi ay sa Eastern Samar, tatlo sa Leyte at Biliran, sampu sa Iloilo, apat sa Capiz at tatlo sa Oriental Mindoro.

Mayroon ding naitalang dalawang sugatan habang sampu pa ang nawawala sa Western at Eastern Visayas.

Sa opisyal na bilang mula National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC) sinabi nitong 21 ang nasawi sa bagyo.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa 12,139 na pamilya o katumbas ng 45,757 na katao ang inilikas dahil sa bagyo mula sa 340 na mga barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.

Read more...