Ayon kay Panelo, base sa kanyang pakikipag-usap kay Esperon, sinabi nitong validated ang naturang impormasyon na kasama sa
listahan ng mga balak nanlikidahin ng komunistang grupo si Pangulong Duterte.
“I was talking to Secretary Esperon earlier and he said the inclusion of the President in the hit list has been validated by them so it was not a wrong info fed to them and according to him,” ani Panelo.
Una rito, sinabi ni Panelo na pinabulaanan na ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na papatayin nila si Duterte bagay na pinaniwalaan ni Panelo. Ang NPA ay ang armadong grupo ng CPP.
Ayon kay Panelo, kahit pa kasama sa hit list ang pangulo, nakahanda ang mga awtoridad na bantayan ang Punong Ehekutibo.
Limang dekada na aniyang nakikibaka ang komunistang grupo subalit bigo pa rin itong pabagsakin ang gobyerno o likidahin ang pangulo ng bansa.