Inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang linggo ng Enero ang 2020 national budget.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay base sa kanilang pag-uusap ng pangulo noong Bisperas ng Pasko, December 24.
“Sabi niya January, first week,” ani Panelo.
Pagtitiyak ni Panelo, ivi-veto ng pangulo ang mga unconstitutional item kung mayroon man na nakapaloob sa pambansang pondo.
Sinabi pa ni Panelo na dahil isang abogado ang pangulo, siguradong bubusiiin nito nang husto ang budget bago pa man lagdaan.
Hindi naman aniya aasa ang pangulo sa opinyon ng ibang tao na kapag sinabing unconstitutional ay unconstitutional na talaga.
May sarili aniyang pag-iisip ang pangulo at batid nito ang mga naayon at hindi naayon sa batas.
“When somebody says it’s unconstitutional, it doesn’t mean its unconstitutional. This President is a lawyer, he knows what is unconstitutional or not. So he decides for himself,” dagdag ni Panelo.
Matatandaang aabot sa P95 bilyong pondo na para sana sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ivineto ni Pangulong Duterte sa 2019 national budget dahil sa mga kwestyunbaleng protekto.